Bayanihan ngayong COVID crisis, posibleng maapektuhan ng paghihigpit ng DSWD sa mga solicitation activities

Nag-aalala sina Senators Joel Villanueva at Risa Hontiveros sa deriktiba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kumuha muna ng permit ang mga magsasagawa ng solicitation activities.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, kontra ang hakbang ng DSWD sa bayahinan spirit na dapat pairalin ngayong may krisis dahil sa COVID-19.

Para kay Villanueva, mas makabubuting kung hihikayatin ng DSWD ang nakararami na magsagawa pa ng mga hakbang para makapagbigay ng ayuda sa mga nangangailangan.


Naiintindihan naman ni Senator Hontiveros ang hangarin ng DSWD na masigurong walang nananamantala sa panahon ng krisis.

Pero ayon kay Hontiveros, mas mainam kung gagawin ng DSWD na mas simple ang requirements at walang bayad sa pagkuha ng permit.

Giit ni Hontiveros, alisin ang red tape para mas maraming makapagbigay agad ng tulong ngayong may Pandemic.

Facebook Comments