Posibleng maipasa na sa House Committee level ngayong linggo o sa susunod ang Bayanihan to Heal As One Act (Bayanihan 3).
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, magpupulong na ang Joint House Committee on Appropriations Economic Affairs upang pag-usapan ang mga inihaing batas na tutulong sa mga pamilyang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Wala namang espesyal na sesyon na magaganap upang pag-usapan ang panukala sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas.
Nabatid na una nang nagpulong sina Salceda kasama si House Speaker Lord Allan Velasco at iba pang lider ng Kamara nitong Biyernes upang pag-usapan ang tulong sa publiko at kung saan kukuha ng pondo para sa Bayanihan 3.
Matatandaang nakatakda sanang mapaso ang Bayanihan 2 nitong Disyembre 2020 pero pinalawig hanggang Hunyo ngayong taon.