Mapapaso na ngayong araw ang Bayanihan to Heal as One Act kung saan nakapaloob ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mabilis na procurement ng medical supplies na kailangan sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa siya na ang ehekutibo ay magkakaroon ng ‘middle ground’ sa Kongreso para maresolba ang isyu.
Aminado si Roque na ang pag-apruba sa economic stimulus package bago nag-adjourn ang 18th Congress nitong buwan ay naantala dahil sa hindi pagkakasundo ng ilang executive officials.
Aniya, nakatulong ang batas para makabili agad ang pamahalaan ng ventilators, Personal Protective Equipment (PPE), at test kits, at pagkakaroon ng budget para sa hiring at deployment ng healthcare workers.
Sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez na magdedesisyon si Pangulong Duterte sa mga susunod na araw kung magko-convene siya sa Kongreso para sa isang special session para talakayin ang Bayanihan to Recover as One Act.