Dating mataas na opisyal ng CPP-NPA, naaresto sa Bantayan, Cebu

Sa kabila ng mataas na banta ng COVID-19 naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dating mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP -NPA) sa Bantayan, Cebu.

Kinilala itong si Roberto Marapo alyas “Ka Rufo”at “Ka Reggie” na dating LG4 Secretary ng KR-N na nag-o-operate sa Panay Island at National Level Most Wanted Person na may patong sa ulo na ₱1.2 million.

Sa ulat pa ng PNP-CIDG, ikinasa nila ang manhunt operation bitbit ang warrant of arrest laban sa suspek dahil kaso nitong murder sa Sitio San Roque, Barangay Baod, sa munisipyo ng Bantayan, Cebu dahilan nang pagakakaaresto nito.


Sa ngayon, nasa CIDG Region 7 Headquarters na ang naarestong dating opisyal ng CPP-NPA.

Facebook Comments