Bayaw na bumugbog kay Baron Geisler: “You deserve every punch that I gave you.”

Naka-takdang mag-sampa ng kaso si Michael Robinstone Rodriguez Morales, bayaw ng aktor na si Baron Geisler matapos ang insidenteng nangyari sa kanila.
Ikinuwento sa Facebook live ni Michael ang mga kabastusan at panggugulo na ginawa ng aktor noong gabi ng March 3.
Ayon dito, “He’s my brother-in-law.
“Lahat ng sinasabi niya, the reason why I burst into anger, hapon pa lang, lasing na siya.
“He barged in my house, lasing. Nagbibihis kami, going to the party, and he was totally drunk.
“Nagbibihis yung mag-ina [ko], papasok siya.
“I mean, wala siyang respeto at all kapag lasing.
“He does that all the time, every single day na pag umiinom siya, ganyan siya.
“Kaya ako, nabuhos na yung galit ko. Hindi ko na ma-take.”
Hindi raw natapos doon ang pang-gugulo ng aktor at nagpadala pa ito ng mga mensahe sa Facebook at tumawag sa telepono.
Dagdag pa niya sa live,
“So be it kung nabugbog kita, you deserve that.
“You deserve every punch that I gave you.”
Matatandaang nag-post si Baron ng litrato niya sa Instagram habang duguan ang mukha.
Aniya, “What to do? Break in and bugbug by family. Wow. Still forgive them. Pera pera pag alana si mama.”
Dagdag pa ni Geisler ay ‘di umano siya lumaban nang siya ay saktan.
Sinabayan pa ito ng aktor ng isang post ng litrato ng kaniyang request for medical certification mula sa Police Station 3 ng lungsod ng Angeles kahit pa may naka-saad pa na ‘confidential’.

Facebook Comments