BAYBAYIN NG BOLINAO AT ANDA, NAGPOSITIBO RED TIDE TOXIN

Nagpositibo sa red tide toxin ang baybayin ng Bolinao at Anda dito sa lalawigan ng Pangasinan base sa ipinadalang sulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 sa Provincial Agriculturist, kahapon.

Base umano ito ginawang pagsusuri sa mga nakolektang sample ng lamang-dagat, partikular ang mga shellfish, na kinuha mula sa nabanggit na lugar.

Dahil dito, naglabas ng abiso ang BFAR sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) na higpitan ang pagbabantay sa mga isdang ibinababa at ibinebenta sa merkado.

Inaatasan ang mga market inspectors, quarantine officers, at mga administrador na siguraduhing may dalang Auxiliary Invoice o Local Transport Permit mula sa BFAR ang mga nagbebenta ng isda at produktong dagat, lalo na ang mga shellfish.

Iginiit ng BFAR na layunin nito na matiyak na ang mga lamang-dagat ay hindi galing sa mga lugar na apektado ng Paralytic Shellfish Poisoning (PSP). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments