Nagnegatibo na sa red tide toxin ang baybaying dagat ng Milagros sa lalawigan ng Masbate.
Ayon ito sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) base sa pinakahuling laboratory examination sa mga shellfish samples.
Gayunman, nagpositibo naman sa red tide toxin ang San Pedro Bay sa Western Samar.
Ipinagbabawal na ng BFAR at Local Government Unit (LGU) ang paghango, pagbenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish sa karagatan.
Ang panibagong kontaminasyon ng red tide toxin sa San Pedro Bay ay karagdagan sa 25 na iba pang coastal waters sa iba’t ibang panig ng bansa na nanatili pa rin ang paralytic shellfish poison.
Facebook Comments