BAYWALK NG BINMALEY BEACH, PANSAMANTALANG SARADO PARA SA MGA TURISTA MAGING SA MULA SA IBANG BARANGAY NG BAYAN

BINMALEY, PANGASINAN – Isasara pansamantala para sa mga bisita o turista ang Binmaley Beach Baywalk bilang bahagi na rin ng kampanya ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan kontra COVID-19.

Kaugnay niyo ay hindi na muna papayagang pumunta sa nabanggit na lugar upang tumambay o maglibot libot ang mga residente mula sa ibang mga bayan, maging ang mga residente ng ibang mga barangay ng bayan ng Binmaley.

Tanging mga residente na naninirahan sa bisinidad ng lugar ang maaaring maglakad-lakad sa Binmaley Baywalk subalit dapat ang mga ito ay magsuot ng facemask at face shield upang hindi masita ng mga itinalagang magbabantay sa lugar.


Samantala, mananatili namang bukas para sa mga motorista ang Baywalk na nagsisilbing alternate route para sa mga papunta at galing ng bayan ng Lingayen.

Facebook Comments