Career Service Examination para sa DFA Foreign Service Officers, itinuloy ngayong araw sa ilang rehiyon sa bansa, ayon sa CSC

54

Natuloy ngayong araw ang CSC Career Service Examination para sa mga Foreign Service Officers ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa limang rehiyon sa bansa.

Ito ay sa kabila ng pagpapaliban ng Foreign Service Officer (FSO) exams sa ibang lugar dahil sa COVID-19 restrictions na ipinataw ng local authorities sa affected locations.


Ayon kay CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada, maayos na naisagawa ang pagsusulit sa limang testing centers ng Civil Service Commission.

Kabilang dito ang Iloilo City at Bacolod City sa Region 6, Cebu Normal University sa Cebu City sa Region 7, Zamboanga City sa Region 9 at Baguio City sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay Atty Lizada, kabilang sa siyam na lugar na hindi natuloy ang pagsusulit ay ang Quezon City sa NCR, San Fernando City, La Union,Tuguegarao City, Ilagan,Isabela, San Fernando City,Pampanga, Lucena City, Legaspi City, Cagayan de Oro City at Davao City.

Facebook Comments