Baywalk white-sand project, halos makukumpleto na – DENR

Malapit nang matapos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagtatambak ng puting buhangin sa kabuuan ng Manila Baywalk.

Ito ay sa gitna ng mga panawagang ihinto ang aktibidad dahil sa health at environmental issues.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, ang pagpapahintulot na maligo muli sa Manila Bay ay nakadepende sa kalidad ng tubig.


Aniya, patuloy ang kanilang paglilinis at pagpapaganda sa Manila Bay alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema.

Iginiit ni Antiporda na may legal na basehan at proper research bago ipinatupad ang proyekto.

Gayumpaman, bukas ang DENR sa anumang kritisismo at pagkontra sa nasabing proyekto.

Facebook Comments