BB Gandanghari, naging emosyonal sa paghingi ng tawad sa kanyang kapatid na si Robin Padilla

523

Naging emosyonal ang dating film star na si BB Gandanghari nang humingi ito ng tawad sa kapatid na si Robin Padilla.

Ito ay matapos ibahagi ni BB Gandanghari sa kanyang vlog ang ginawa niyang 40-day fast kung saan binalikan niya ang kanyang mga hindi magandang nagawa noong nakaraang taon kabilang ang mga naging patutsada niya sa kapatid.


Say ni BB, pinagsisisihan niya ang lahat ng salitang binitawan niya na nakasakit kay Robin at sa kanyang pamilya.

Kasabay nito, hiniling ni BB Gandanghari na bigyan siya ng mas maliwanag na kaisipan ngayong taong 2021.

Facebook Comments