Pagbebenta ng “porn equipment at materials” sa online, pinapatugis ng isang kongresista

88

Pinapatugis ni Deputy Speaker Benny Abante sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nasa likod ng pagbebenta ng ‘porn equipment and materials’ sa online.

Kasabay ito ng balitang pagbebenta umano ng mga estudyante ng mga malalaswang larawan at video para may ipantustos sa kanilang distance learning at ang pagtaas na rin ng bilang ng mga naaabusong kabataan sa gitna ng pandemya.


Partikular na pinahahabol ng kongresista sa mga otoridad ang mga porn materials at equipment na ibinebenta sa mga malalaking online shopping application na Lazada at Shopee.

Posible kasing nagagamit ang mga ito para sa pagpo-produce ng child-pornography lalo’t kapuna-puna ang pagdoble ng Suspicious Transaction Reports (STRs) dito.

Batay sa impormasyon mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), mula Enero hanggang Hunyo ng 2020 ay tumaas sa 27,217 ang mga kahina-hinalang transaksyon na iniuugnay sa child-pornography na mas mataas ng 2.5 times kumpara sa 10,627 na naiulat na STRs sa buong 2019.

Aabot ang STRs sa ₱113.1 million noong 2020 na doble sa naitalang ₱65.8 million noong 2019.




Dahil dito, kinalampag ni Abante ang pamahalaan na bukod sa tugisin ang mga producers at mga nagbebenta ng child-pornography ay dapat na matukoy at mapatigil din ang mga nagbebenta ng porn materials gamit ang mga shopping apps.

Facebook Comments