BBL, hindi maipapasa hanggang walang pag-amiyenda sa Saligang Batas

Manila, Philippines – Naniniwala si Dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na posibleng matagalan pa ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law na una nang sinertripikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Puno na hindi maipapasa ang BBL hanggang hindi napapalitan ang Saligang Batas.

Matatandaan na inilabas ni Pangulong Duterte ang Executive Order number 10 na sanay bubuo sa isang 25 member consultative committee na mag-aaral sa 1987 constitution.


Sinabi ni Puno, hanggang walang pagbabago sa Saligang Batas ay hindi maaaring maisabatas ang BBL.

Sa ngayon naman aniya ay wala pang nabubuong consultative committee para pag-aralan ang Saligang Batas at wala naman aniya siyang natatanggap na pormal na alok para maging miyembro nito.
Nabatid na maging si dating Senate President Aquilino Pimentel ay wala pa ring natatanggap na imbitasyon mula sa Pangulo na maging miyembro ng nasabing Consultative Committee.

Facebook Comments