BBL, inaasahang aaprubahan ngayong araw

Manila, Philippines – Target ng bicameral conference committee na aprubahan ngayong araw ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas Noong nakalipas na linggo, inaprubahan na “in principle” ng bicam ang BBL.

Binigyan ng mga mambabatas sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Fariñas ng kapangyarihan upang plantsahin pa ang natitirang hindi pinagkakasunduang probisyon.


Ngayong araw ilalatag din nila Zubiri at Fariñas sa mga miyembro ang kanilang napag usapan upang ito ay tuluyan nang maaprubahan.

Matapos ito ay dadalhin sa Pangulo ang naipasang bersyon ng BBL para sa kanyang pagsang-ayon.

Inaasahan namang raratipikahan ng dalawang kapulungan ang BBL sa pagbubukas ng sesyon at lalagdaan ni Pangulong Duterte sa mismong araw din ng kanyang SONA sa Lunes.

Facebook Comments