LALABAN PA | Pacman target ang isa pang laban bago matapos ang 2018

Manila, Philippines – Target ng Team Pacquiao ang isa pang laban para sa Pambansang Kamao bago matapos ang taon.

Ayon kay Justine Fortune, strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao, nais nilang makaharap ang British boxer na si Amir Khan.

At kung matutuloy ang plano gusto ng kampo ng Fighting Senator na gawin sa London sa England ang laban at hindi sa Malaysia o sa Pilipinas.


Nais ni Pacman na idepensa ang WBA Welterweight title na naagaw nito matapos gulpihin si Lucas Matthysse noong Linggo sa Kuala Lumpur.

Dahi sa 7th round technical knockout na ipinalasap ni Pacman sa Argentinian boxer, sinabi ni Pacman na kaya pa nitong lumaban pa at malabo pang magretiro sa boxing.

Facebook Comments