BBL | Inaprubahang proposed BBL ng bicam, umaayon sa konstitusyon

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Sonny Angara na ang laman ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL na inaprubahan ng bicameral conference committee ay naaayon sa Saligang Batas.

Para kay Angara, ang BBL ang natatanging hakbang para sa wakas ay magkaroon na ng katuparan ang layuning maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan na syang daan para umusad ang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro Region.

Umaasa si Angara na sa sandaling mapagtibay ang panukalang BBL ay masasaksihan at mararamdaman na ng mamamayan sa Mindanao ang tunay na kapayapaan at pag-unlad sa kanilang rehiyon na ilang dekada nang binabalot ng sigalot.


Bukod kay Angara, nanindigan din sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Majority Leader Juan Miguel Zubiri na naisunod nila sa itinaktada ng konstitusyon ang ipinasang BBL.

Sabi ni Drilon, asahan nang may magkukwestyon nito sa Supreme Court (SC) pero tiyak namang ito ay makakalusot.

Facebook Comments