Kumpyansa si Bangsamoro Transition Commission Chairman at kasalukuyang Moro Islamic Liberation Front Vice Chairman for Political Affairs Ghazali Jaafar na maipapasa na ang Bangsamoro Basic Law ngayong taon.
Itoy matapos na tanggapin na at aprobahan ng Senado ang ipinasang BBL BTC Version na inihain ni BBL Sub Committee Chair Senator Juan Miguel Zubiri kahapon ayon pa kay Jaafar sa panayam ng DXMY ngayong umaga.
Malaki rin aniya ang posibilidad na aaprubahan na rin ng kongreso sa susunod na buwan ang BBL bunsod na rin na ang mimsong Speaker of the House Congressman Pantaleon Alvarez na ang nagsponsor nito.
Kaugnay nito, inilatag pa rin ang magkakasunod na public consultation na gagawin ng kongreso mula sa Feb 15- 17. Gaganapin ito sa Cotabato City, Midsayap at Davao City.
Umaasa naman si Chairman Jaafar na tuluyang papaburan at tatanggapin na ito di lamang ng kongreso senado kundi ng lahat ng mga Bangsamoro sa nalalapit na plebisito sa ngalan ng kapayapaan.
Positibo rin si Jaafar na makakamit na ng Bangsamoro ang matagal ng hinangad na Kaunlaran at Kapayapaan sa administrasyon ni Presidente Rody Duterte.
GOOGLE PIC