Manila, Philippines – Nilinaw ni Majority Floor Leader Senador Migz Zubiri na masusi nilang binubusisi ng husto ang usapin ng Basamoro Basic Law upang matiyak na walang paglabag sa Saligang batas.
Ayon kay Zubiri nag usap House na sila ni House Floor Leader Rodolfo Fariñas para talakayin ang usapin ng Bangsamoro na nasa ikatlong pagbasa na House at Senado at napag usapan nila na sa July 9 hanggang 13 tatalakayin ang Bicam sa susunod na buwan.
Paliwanag ni Zubiri matagal pa aniya itong bakbakan dahil sa House pa lamang aniya ay 6 ang kanilang bersyon kung saan ay kinakailangan ay busisihin ang bawat mga pahina nito.
Dagdag pa ng Senador na dumadaan sa masusing pagbusisi ng mga Senador ang usapin ng Bangsamoro Basic Law dahil pinag iisipan din niya sakaling magkaroon ng deadlock at kung papaano ito maresolba gaya na lamang aniya ng Compliance Decrees at National Law.
Paliwanag ng Senador hindi lahat ay nasa kanila ang absolute power ibig sabihin aniya lahat ng bibilhin nilang mga kagamitan ay kinakailangang dadaan sa Procurement Law ng COA.
Giit ng Senador na ang Senate bersyon ay compliance sa kasalukuyang Konstitusyon at Tinitiyak ng Senador na mapreserba ang Amenments Frame work ng 1987 Constitution,Citizen of the Republic of the Philippine at iba pa.