BBM, landslide win sa isang online presidential survey

Nanguna si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos sa isinagawang online presidential survey ng Manila Bulletin noong Oct.

15 – 17, 2021. Nakuha ni Marcos ang 71% o 635,079 mula sa 892,800 respondents na pagpabor kay BBM bilang susunod na pangulo.

Mula ito sa kanilang official Facebook page, website at official Twitter account.


Sinundan ito ng Vice President Leni Robredo, na may 25% o 225,580 votes habang ang iba pang presidential aspirant tulad nina Manila Mayor Isko Moreno, Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Manny Pacquiao at Panfilo “Ping” Lacson ay nakakuha lamang ng 4%.

Ang kahalintulad na online survey ay isinagawa rin ng Rappler kung saan nanguna si Marcos na may 54% votes at sinundan ng 42% votes ni VP Leni pero kalauna’y inihinto ang nasabing poll.

Facebook Comments