BBM, muling nanguna presidential candidates sa latest RMN – APCORE survey

Parehong umangat sa 2022 National Elections Survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE) sina dating senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo.

Nananatili pa rin si Marcos na number one sa rankings na mayroong 56.8 na mas mataas ng 1.8 % kumpara sa 55 % noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Habang tumaas naman si Robredo ng 4.1% at nakakuha ng 17.1% mula sa 13%.


Mula naman sa 13% ay bumaba sa 11.5% si Manila Mayor Isko Moreno habang bahagyang umangat si Senator Manny Pacquiao na mayroong 4.4% mula sa 4%.

Samantala, wala pang isang porsyento ang nakuha nina dating presidential spokesperson Ernesto Abella, Leodegario ‘Ka Leody’ de Guzman, Norberto Gonzales at Antonio Parlade.

Isinagawa ang survey nitong Enero 26 hanggang Enero 30, sa 2,400 respondents na edad 18 pataas at may +/- 2 margin of error.

Facebook Comments