Ilang mga paaralan sa Metro Manila, magsasagawa ng expansion phase ng limited face-to-face classes ayon sa DepEd

Inihayag ngayon ng Department of Education (DepEd) na nakatakdang magsimula ang expansion phase ng limited face-to-face classes sa ilang mga paaralan sa National Capital Region (NCR) Miyerkules, Pebrero 9, 2022.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, sinimulan na umano ni Dr. Marco Meduranda, OIC-Principal ng Navotas Nation High School ang simulation ng expansion phase ng limited face-to-face classes bilang paghahanda sa pagbubukas nito sa Miyerkules kung saan napabilang ang kanilang eskwelahan.

Paliwanag ni Meduranda, fully vaccinated laban sa COVID-19 at may consent mula sa kanilang mga magulang ang limang mag-aaral na sumali sa nasabing simulation.


Dagdag pa ng prinsipal nakatanggap din umano ng suporta ang paaralan mula sa kanilang barangay at sa SDO Navotas sa kanilang pagsasagawa ng mga paghahanda para sa expansion phase.

Facebook Comments