Nanawagan si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa lahat ng mga elective presidential aspirant na sumailalim sa drug test.
Ito ay kahit nagpalabas na ng kautusan ang Korte Suprema na ang drug test ay hindi pinahihintulutan ng konstitusyon upang matiyak ng publiko na walang itinalagang pinuno ng bansa na gumagamit ng iligal na droga.
Ang panawagan ay ginawa ni Marcos makaraang ipresenta ng kanyang Chief of Staff na si Atty. Vic Rodriguez ang negative drug test result ng dating senador nang magpakuha ito ng cocaine test sa Saint Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City.
Una rito, nagpakuha rin ng drug test noong Lune sang iba pang presidential aspirants na sina Senator Panfilo “ping” Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung saan nagnegatibo rin ang kanilang resulta.
Iginiit pa ni Marcos na mananatili siyang vigilant sa kampanya kontra iligal na droga upang iparating sa mga Pilipino na mahigpit niyang tinututulan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.