Sa naging pagbisita sa convenience store na nasa tabi ng Cauayan City hall, batay sa pinakahuling tally nito mula March 16 hanggang nitong 22 ay nangunguna sa mga presidentiables si BBM at pumapangalawa naman ngunit malayo si VP Leni Robredo.
Marami din sa mga customer ang “undecided” o wala pang napupusuang iboboto na Presidente kaya nasa pangatlo ang bilang ng mga undecided habang pang-apat naman si Sen. Ping Lacson, pang lima si Isko Moreno at pang -anim si Sen. Manny Pacquiao.
Ginagawa ang nasabing informal survey bilang pakulo ng convenience store para malaman din ang pulso ng kanilang mga customer sa kanilang napupusuan at ibobotong presidente sa May 9, 2022 elections sa pamamagitan ng kanilang pagbili ng gulp cup depende sa size nito na may larawan at pangalan ng limang tumatakbo sa pagkapangulo.
Ayon sa isang staff ng convenience store, ang bawat isang cup ay katumbas ng isang boto. Patok naman ito sa mga kostomer mula nang umpisahan ng convenience store ang kanilang unofficial survey at wala namang naging problema sa pag punch ng resibo dahil kung ano ang pangalan ng kandidato sa cup na binili ng kostumer ay iyon din ang lumalabas sa resibo.
Samantala, sa resulta naman ng lahat ng store nito dito sa buong Lambak ng Cagayan, ay nangunguna pa rin si BBM na nakakuha ng 49%, pangalawa si Leni Robredo na may 24%, nasa pangatlo ang mga “Undecided”, pang-apat si Isko Moreno at pareho namang nakakuha ng tig-apat na porsyento sina Manny Pacquiao at Ping Lacson.
Ang “unofficial” pre-election survey na ito ay tatakbo mula March 9 hanggang April 27 ngayong taon.