BBM-Sara tandem, nangunguna pa rin sa Pulse Asia survey; VP Leni Robredo, bahagya naman tumaas

Nangunguna pa rin sa Pulse Asia survey sa mga kandidato sa pagkapangulo si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kahit bumaba ang rating nito.

Batay sa survey na isinagawa noong Marso 17 hanggang 21 sa may 2,400 respondent, bumaba ng 56 percent mula sa dating 60 porsyento noong Pebrero si Marcos.

 

 

Umangat naman ng siyam na puntos si Vice President Leni Robredo na mula sa 15 porsyento noong Pebrero ay naging 24 porsyento na ito nitong Marso.


Nanatili naman si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa ikatlong pwesto na may walong porsiyento, ikaapat si Sen. Manny Pacquiao na may anim na porsyento at pang-lima si Sen. Ping Lacson na may dalawang porsyento .

Samantala, si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio pa rin ang nangunguna sa mga kandidato sa pagka-bise presidente na nakakuha ng 56% na puntos.

 

 

Nakakuha naman si Senate President Vicente Sotto III ng 20 porsiyento, Senator Francis Pangilinan na may 15 porsyento, Doc Willie Ong na may limang porsiyento at Buhay Party-List Representative Lito Atienza na may isang porsyento.

Facebook Comments