Legarda, nananatili sa top 2 sa senatorial survey ng Pulse Asia

636

Hawak pa rin ni Raffy Tulfo ang unang pwesto sa senatorial survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa mula Marso 17 hanggang 21 mula sa 2,400 respondent, nakakuha si Tulfo ng 65.6% na voter preference.

 

Pumangalawa naman si Antique Lone District Rep. Loren Legarda na may 58.3 percent, Taguig-Peteros Rep. Alan Peter Cayetano na may 56.4 percent, Gov. Chiz Escudero na may 54.4 percent, DPWH Sec. Mark Villar na may 52.4 percent at Sen. Win Gatchalian na may 50.3 percent.


Pasok din sa ‘Magic 12’ sina Sen. Migz Zubiri, Sen. Joel Villanueva, Robin Padilla, dating Vice President Jejomar Binay, dating Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. JV Ejercito.

Nasa ika-13 hanggang ika-14 naman na pwesto sina Sen. Risa Hontiveros at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Facebook Comments