BBM-Sara UniTeam, mag-iikot buong araw sa Cavite

Buong araw na mag-iikot sa lalawigan ng Cavite ang BBM-Sara UniTeam ngayong araw, December 9.

Magsisimula ang Cavite Caravan ng BBM-Sara UniTeam sa Bacoor, alas-8:00 ng umaga.

Sunod nilang dadayuhin ang Rosario ng alas-2:00 ng hapon; Noveleta ng alas-3:00 ng hapon at Kawit ng alas-5:00 ng hapon.


Kasabay nito, hinikayat ni Bacoor Mayor Lani Revilla ang kaniyang mga kababayan na salubungin at ipakita nila ang kanilang suporta kina Presidential Aspirant Bongbong Marcos at Vice Presidential bet Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.

Facebook Comments