QC-LGU, itinangging may kinalaman ito sa pagso-solicit ng isang grupo para sa feeding program

24

Pinag-iingat ng Quezon City local government ang publiko sa kumakalat na solicitation para sa feeding program ng lungsod.

Sa ulat ng Local Government Unit (LGU), mga nagpapakilalang miyembro ng Garbage Collector and Dispatcher Association ang mga gumagawa umano ng aktibidad na ito.

Nilinaw ng LGU na walang kaugnayan ang grupo sa QC Task Force on Solid Waste Management.


Pinapayuhan ang mga residente na i-report agad ang mga ganitong insidente sa mga kinauukulan.

Paalala pa ng LGU, ang sinumang mahuhuli o mapapatunayang gumagawa ng iligal na aktibidad ay maaaring patawan ng karampatang parusa.

Facebook Comments