BBM-Sara UniTeam, may pangako sa mga taga-Mindanao

Nangako ang BBM-Sara UniTeam na pagbubutihin ang katayuan ng Mindanao bilang food basket ng bansa para matulungan ang rehiyon na makabangon mula sa epekto ng pandemya.

Ayon kina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice president bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang Mindanao ay dapat nangunguna sa kalakalang pang-agrikultura dahil malaking bahagi nito ay nakatuon sa agrikultura.

Anila, ang Mindanao ay gumagawa ng 40 porsyento ng mga pangangailangan sa pagkain ng bansa at nag-aambag ng higit sa 30 porsyento sa pambansang kalakalan ng pagkain.


Bagama’t ang Mindanao ay itinuturing na isa sa pinakamahirap na isla sa bansa, ito ay itinuturing na pinakamayaman pagdating sa likas na yaman.

Dagdag pa ng dalawa, mapapalakas din ng Southern Philippines ang export industry ng bansa.

Facebook Comments