Baguio, Philippines – Sinigurado ni Baguio City Tourism Officer Aloysius Mapalo na magiging prayoridad ang kalusugan sa muling pagbubukas ng turismo sa syudad upang maangat muli ang ekonomiya ng syudad, ito ay matapos ibigay ng Tourism Officer ang ilang mga ditalye patungkol sa pagbubukas ng siyudad para sa mga turista noong Agosto 11.
Anya, matapos makatanggap ng halos negatibong reaksyon sa kanilang Baguio Visitors Management System (BVMS) kung saan ilan dito ay binigyan nya ng linaw para maintindihan ng madla.
Kabilang na ang pagkakaroon ng limitadong mga bisita sa lungsod at babantayan ang mga galaw ng mga ito sa pamamagitan ng isang mobile application na tinatawag na (VISITA) o Baguio Visitors Information and Travel Assistance kung saan dapat lahat ng piling mga papasok sa lungsod ay kailangang magrehistro sa nasabing APP.
Nakalagay din sa nasabing APP ang mga itineraries o iskedyul, visitation dates at accommodation details ng mga establishimyentong aprubado ng Department of Tourism- (DOT). Kinakailangan din ng naturang app na mai-upload ang mga legal na travel documents ng mga ito at dapat ay aprubado sa kanilang lugar ang kanilang pagbisita sa lungsod at pagdating ng mga ito sa syudad ay sasailalim sila triage at mandatory swab-testing sa mga pribadong laboratoryo na kanilang babayaran, at kailangan nilang antayin ang resulta ng 9 hanggang 12 oras.
Samantala, naitala sa syudad ang nasa 33 na establisimyento ang kumikita sa pamamagitan ng turismo na pansamantalang nasuspindi o nagsara ng operasyon dahil sa pandemya, at halos 5000 mga empleyado mula sa mga ito ang apektado.