BE POSITIVE | Heart Evangelista, nagpaliwanag sa pag-disable ng comment section sa IG photo nila ni Kim Jones

Manila, Philippines – Nagpaliwanag si Heart Evangelista kung bakit naka-disable ang comment section ng instagram post niya kung saan makikita ang larawang magkasama sila ni Kim Jones.

Si Kim ay ang asawa ng ex-boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales.

Kahapon nang ibahagi ng aktres ang larawan na may caption na: “I’m grateful that my work allows me to collaborate with such talented women.”


Sa sumunod na post ni Heart, isang netizen ang nagtanong kung bakit naka-disbale ang comment section sa picture nila nina Kim at celebrity stylist na si Liz Uy.

Sagot ng aktres, ayaw niyang masira ng sinuman o anumang komento ang isang positibong bagay.

Ito ay kasunod na rin ng patuloy na pang-iintriga sa kanilang tatlo nina Jericho at Kim.

Facebook Comments