KAKAIBA | Lalaki, huli matapos makapatay ng makulit na kapit-bahay

Indonesia – Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki sa Indonesia matapos na makapatay ng kapit-bahay.

Ang dahilan, narindi na raw si Faiz Nurdin Pasir Jonge sa paulit-ulit na tanong ng biktima kung kailan siya magpapakasal.

Sa tuwing nagkikita raw kasi sila ay lagi siyang tinatanong ng biktima kung kailan niya balak mag-asawa.


Binibiro pa raw siya nito na napag-iiwanan na siya.

Samantala, matapos patayin ang babaeng biktima, ninakaw pa ni Faiz ang cellphone at pera nito.

Tinangka pa niyang tumakas papuntang Jakarta pero nahuli din siya ng mga otoridad.

Facebook Comments