Nag-open up ang “Kasal” actress na si Bea Alonzo noong May 14 sa “Tonight with Boy Abunda” at inaming kasalukuyan nilang inaayos ni Gerald Anderson ang kanilang relasyon.
Ito ay matapos sabihin ni Bea noong nakaraang linggo na “technically single” daw siya.
Paliwanag ng aktres, “Marami pang inaayos. The moment you choose to fall in love, you choose to experience pain, and I think it all boils down to who you want to experience all of that for. . . Doon nag-go-grow ‘yung relationship. Doon nag-go-grow ang love.”
Matatandaang dumaan sa espekulasyong hiwalay na ang dalawa matapos i-unfollow ni Bea si Gerald pati ang “My Perfect You” co-star nito na si Pia Wurtzbach, ngunit ngayon ay naayos na raw nila ang nasabing misunderstanding.
Dagdag pa niya, “Ang love naman hindi lang puro saya, eh.
Pag mas marami nga kayong pinagdaanan, mas strong ‘yung relationship. Kailangan, paminsan-minsan, mayroon kayong pagdadaanan, at may matututunan kayo out of all of those things.”