Bea Alonzo, inaming siya ay "technically single"

Sa isang presscon noong May 8 para sa pelikulang “Kasal” na pinagbibidahan ni Bea Alonzo, sinagot ng aktres ang mga espekulasyon tungkol sa relasyon nila ni Gerald Anderson.
Nang tanungin kung single ang aktres, tugon nito, “Technically. But, of course, we’re talking. We’re okay.”
Matatandaan na noong March 21 ay naiulat ang pag-unfollow ni Bea kay Gerald Anderson sa Instagram. In-unfollow din ng aktres ang beauty queen na si Pia Wurtzbach na naging katambal ni Gerald sa pelikulang “My Perfect You”.
Makalipas ang ilang araw, ibinahagi naman ni Gerald sa isang interview na nagkaroon sila ng “simple misunderstanding” ng 30-year-old actress ngunit naayos na raw ito.

Facebook Comments