Beau Belga at Rey Guevarra, kapwa napanatili ang kanilang titulo sa PBA All-Star Weekend

Napanatili ni Beau Belga at Rey Guevarra ang kanilang titulo kasabay ng PBA All-Star Weekend sa Calasiao, Pangasinan.

Muling nag-kampeon si Belga kahit nadapa pa sa second round, tinalo ng Rain or Shine forward si Russel Escoto ng Columbian sa loob ng 21 seconds.

Dikit naman sa three-point shootout sina PJ Simon ng Magnolia Hotshots na may 17 points at NorthPort rookie Robert Bolick na may 16 points.


Umukit naman sa kasaysayan si Guevarra matapos makuha ang ika-limang slam dunk title.

Si Guevarra na ang ikalawang manlalaro na nakakuha ng limang slam dunk titles kasunod ni KG Canaleta.

Facebook Comments