Beautician, Arestado sa Pagbebenta ng Droga!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang beautician matapos matiklo ng mga otoridad sa pagbebenta ng droga sa Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela.

Dakong alas 8:45 kagabi nang maaresto sa isinagawang drug buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Tumauini at PDEA RO2 sa kanyang tinutuluyang apartment si Eduardo G. Bunagan, 52 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakuha mula kay Bunagan ang isang (1) small heat sealed sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.


Nasa kustodiya ngayon ng PNP Tumauini ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments