18 anyos na Wanted sa San Guillermo, Isabela, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Naaresto na ng otoridad ang itinuturing na Top 1 most Wanted sa bayan ng San Guillermo, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC 2nd Judicial Region, Branch 40, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Aljun Galam, 18 anyos, binata, magsasaka na at residente ng Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela.

Si Galam ay nahaharap sa kasong panggagahasa na may kaukulang piyansa na Php200,000.00.


Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng nasabing halaga.

Facebook Comments