Beautician, patay sa pamamaril sa Quezon City

Quezon City – Patay ang isang parlorista matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa QC mag-aalas dose ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Jowel So, 43-anyo,s na natagpuang duguan ang katawan sa isang kalye sa Brgy. Old Balara.

Ayon sa ilang residente, nakarinig na lang sila ng magkakasunod na putok ng baril at nakita ang isang kotse na kulay green na umalis sa crime scene.


Aminado ang kapatid ng biktima na gumagamit ng iligal na droga si Jowel pero tumigil na aniya ang kapatid bago pa man mag simula ang Oplan Tokhang ng Administrasyong Duterte.

Bago napatay, naging abala ang biktima sa paggugupit ng buhok, pagmamanicure at pedicure na nag seserbisyo sa mga bahay-bahay.

Facebook Comments