BEAUTIFICATION PROJECTS SA BRGY. DABBURAB, NATAPOS NA

Cauayan City – Isa sa mga dinarayo sa Brgy. Dabburab ay ang kanilang Mini Eco and Childrens park kaya naman isa ito sa mga proyektong kanilang tinutukan.

Sa naging panayam ng IFM News Team sa Punong Barangay ng Dabburab na si Melvin Sarandi, tuluy-tuloy pa rin ang pamamasyal ng mga residente mula sa mga karatig barangay sa kanilang lugar lalo na ngayong naayos na ang kanilang Eco and Childrens Park.

Aniya, isa ang Beautification Projects sa kanilang pinaglaanan ng pondo dahil madalas na dinarayo ang kanilang barangay dahil sa magandang view ng ilog mula sa kanilang Eco Park.


Ang dating pinaplanong malaking signage ay naipatayo na habang na renovate na rin ang pook pasyalan sa kanilang lugar para sa mga bata.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang paglulunsad ng iba’t-ibang proyekto para sa kanilang barangay hindi lamang para sa mata ng mga residente kundi pati na rin ang nga proyektong kapaki-pakinabang para sa lahat.

Facebook Comments