Beauty Queen Laura Lehmann at PBA Player Von Pessumal, engaged na

Matapos ang limang taong magboyfriend-girlfriend, engaged na si Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann kay San Miguel Beermen Player Von Pessumal.

Inanunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement sa instagram noong MAY 11, 2020 (Lunes).

Pero sa post ni Laura, binanggit niyang na-engage sila noon pang May 3, 2020 pa.


Caption naman ni Von sa kanyang post: “Lockdowned for Life.”

Bumaha naman ang pagbati mula sa mga kaibigang artista at beauty queens si Laura.

Kabilang sa mga nagpaabot ng mensahe sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss World 2013 Megan Young, Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez.

Miss Universe 2013 Third Runner-Up Ariella Arida, Miss Grand International 2016 First Runner-Up Nicole Cordoves, Gretchen Ho, at Lovi Poe.

Facebook Comments