Mahigit 120 na nag-positibo sa COVID-19 sa Pasig City, nakarekober na!

Umakyat na sa Isang daan at dalawamput pito (127) na indibiduwal ang nakarekober na matapos na tamaan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Pasig City.

Batay sa tala ng Pasig City Government, nasa 415 katao na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 66 katao ang naitalang namatay.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, personal niyang tinututukan ang Disaster Risk Reduction and Management Office para sa agarang pag-aksyon ng Emergency Operation Center.


Patuloy din ang isinasagawang relief operations ng lokal na pamahalaan para matulungan ang nasa 800,000 katao sa lungsod na direktang apektado ng nasabing virus.

Facebook Comments