Mataas ang tiyansa na mapuno na ang kapasidad ng mga ospital sa Metro Manila sa unang linggo ng Abril.
Ito ay kung hindi bababa ang reproduction number ng COVID-19 sa bansa sa gitna ng patuloy na paglobo ng naiitalang bagong kaso kada araw.
Ayon sa OCTA Research Group, nasa 1.95 ngayon ang reproduction number kung saan ibig sabihin nito ay sa isang positibo sa virus ay posibleng dalawang tao ang kaniyang mahawa.
Ang mataas na reproduction number din ay indikasyon aniya ng nagpapatuloy na transmission ng COVID-19.
Kasunod nito, inirekomenda ng OCTA na muling bumalik sa mas mahigpit na quarantine measures ang Metro Manila sakaling hindi bumaba ang naiitalang bagong kaso kada araw.
Facebook Comments