Pormal nang ipinasa ang Republic Act No. 12203 na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Region 1 Medical Center (R1MC) sa Dagupan City mula 600 gagawin itong 1,500.
Layon ng bagong batas na mapabuti ang serbisyo at matugunan ang lumalaking bilang ng pasyenteng kinakailangang ma-admit sa ospital, lalo na sa mga panahong may krisis sa kalusugan.
Sa ilalim ng RA 12203, nakasaad ang karampatang pondo na ilalaan ng pamahalaan upang maisakatuparan ang pagpapalawak ng pasilidad, gayundin ang pagdagdag ng mga kagamitan at tauhan sa ospital.
Itinuturing itong malaking hakbang para sa sektor ng kalusugan sa rehiyon, lalo na’t ang R1MC ang pangunahing pampublikong ospital na tumatanggap ng mga pasyente mula sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan at kalapit na probinsya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments