Bahagya nang bumababa ang occupancy rate ng bed capacity sa anim na district hospital, field hospital at quarantine facility sa lungsod ng Maynila.
Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Maynila, nasa 76% na lamang ang occupancy rate sa mga district hospital kung saan 379 ang okupadong kama mula sa 501 na inilaan dito.
Nananatili naman ang Ospital ng Sampaloc at Gat Andres Memorial Medical Center sa mga district hospital na lumagpas na sa 100 percent ang occupancy rate ng kani-kanilang COVID bed capacity.
Bumaba rin sa 88% ang occupancy rate sa Manila Covid Field Hospital kung saan nasa 304 beds ang okupado mula sa 344 na capacity nito.
Nasa 18% na lang din ang occupancy rate sa 14 na quarantine facilities sa lungsod ng Maynila.
Ibig sabihin nito, nasa 158 na kama ang okupado mula sa 883 na inilaan ng lokal na pamahalaan.