Mga dam, patuloy na nagpapakawala ng tubig bilang paghahanda sa Bagyong Kiko

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang mga dam sa Luzon bilang paghahanda sa inaasahang hagupit ng Bagyong Kiko sa Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA Hydro Meteorological Division (HMD), kabilang sa mga dam na nagpapakawala ng tubig ay ang Ipo Dam na nanatiling bukas ang isang gate.

Dalawang gate ang bukas sa Ambuklao Dam habang 3 gate ang bukas sa Binga Dam.


Samantala, ang iba pang dam sa Luzon ay nananatiling mababa pa ang lebel ng tubig.

Facebook Comments