Inihayag ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay na maraming ng bakanteng higaan o kama sa apat na quarantine facilities na kanilang hinahawakan.
Ito’y matapos na bahagyang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.
Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, base sa ulat ng City Disaster Risk and Reduction Management (CDRRMO), isa ang Pasay City Sports Complex na tumaas ang bilang ng bakanteng kama.
Nabatid na mula sa 60 bed capacity, mayroon na ang nasabing sports complex na bakanteng 45 na kama habang 15 indibdwal ang nananatili dito na kasalukuyang naka-confine at nagpapagaling na lamang sa COVID-19.
Ang Burgos Elementary School ay may 30 bakanteng higaan mula sa 44 bed capacity nito habang ang pinakamalaking quarantine facility ng lungsod sa Mall of Asia ay may 22 bakanteng higaan mula sa132 na bilang nito.
Sinabi pa ng alkalde na may ilang pasyente na naka-confined sa MOA quarantine facility ang nakatakda na rin ma-discharge kaya’t siguradong mas tataas pa ang bilang ng bakanteng mga kama dito.
Nasa 14 na bakatneng kama na rin mayroon sa Folk Arts Theater quarantine facility kung saan nasa 97 ang bed capacity nito.
Sa kasalukuyan, nasa 384 na lamang ang aktibong kaso sa lungsod, 342 ang namatay habang 12,432 ang nakarekober at 13,158.