Bed capacity sa PGH, itinaas na sa 250,000 dahil sa COVID-19 surge

Pumalo na ngayon sa mahigit 200,000 ang COVID-19 cases na naka-confined ngayon sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, simula noong nakaraang gabi ay umabot na sa 221,000 ang COVID-19 cases sa kanilang ospital dahilan para itaas sa mahigit 250,000 ang kanilang bed capacity.

Bukod dito, nagkukulang na rin aniya ang kanilang mga kagamitan tulad ng oxygen habang lima hanggang 10 health workers kada araw ang nai-infect ng virus.


Bunsod nito, umaasa ang PGH na palawigin pa ng apat na linggo ang umiiral ngayong week-long Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) plus bubble.

Facebook Comments