Mahigit 600 healthcare workers, tinamaan ng COVID-19 sa nakalipas na 2 linggo

Umaabot sa 628 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng medical frontliners.

Ayon sa Department of Health (DOH), 122 rito ang asymptomatic, 7 ang moderate, 13 ang severe at 8 ang nasa kritikal na kondisyon.

Pinakamarami pa rin ang nakararanas ng mild na sintomas na umaabot sa 478.


82 ang namatay na healthcare workers dahil sa COVID-19 habang nasa 15,061 ang mga nakarekober.

Facebook Comments