Beep card, iminungkahing gamitin na rin sa ibang transaksyon

Inirekomenda ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran na gamitin na rin sa iba pang transaksyon ang beep card.

Ang mungkahi ay kasunod na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipamahagi ng libre sa mga commuter ang beep card.

Pabor si Taduran sa utos ng Presidente na ibigay ng libre sa publiko ang beep card lalo’t bukod sa napapanahon ang contactless transaction ngayong may pandemya ay hindi rin kakayanin ng mga mahihirap na mamamayan at manggagawa ang dagdag na gastusin.


Kasabay nito ay hiniling ng lady solon na gawing debit card o all-around card ang beep car na magagamit pambayad sa halos lahat ng transaksyon.

Bukod aniya sa pagbabayad sa mga public transportation ay gamitin na rin ang beep card sa iba pang transaksyon tulad sa pagbabayad ng grocery, gamot at fast food.

Inihalimbawa ng kongresista ang Octopus card sa Hong Kong kung saan nagagamit ito sa public buses, ferries, train at taxis, gayundin para sa pagbili sa convenience stores, fast food at pagbabayad sa parking.

Facebook Comments