Beermen, abot-kamay na ang pagiging kampeon

Isang panalong na lang ang susungkitin ng San Miguel Beermen para makamit ang kampeonato sa PBA Commissioners Cup.

Tinalo ng Beermen ang TNT KaTropa sa score na 99-94.

Si Chris McCullough ang nagdala sa Beermen na may 35 points at 22 rebounds.


Naghahanda na sila ngayon sa susunod na laban.

Samantala, mapapanood na mamaya ang ninth day ng nagpapatuloy na DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament na gaganapin sa Toby’s Sports and Hobbies basketball Court sa C. Raymundo Avenue Pasig City.

Unang maghaharap ang Team DWWW/iFM at Lunas Kalusugan sa alas-4:00 ng hapon.

Susundan ito ng Team RMN Head Office kontra Gentle Hands Holistic Wellness Center.

Facebook Comments