Propesor at 2 pang Wanted sa Batas, Arestado!

225

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang propesor ng Isabela State Universities ng Angadanan Campus at dalawa pang personalidad sa magkaibang operasyon ng Municipal Police Station ng nasabing bayan.

Naaresto si Soccorro Tangonan, 61-anyos, professor ng ISU Angadanan, Campus na residente ng Victoria, Alicia, Isabela.


Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni hukom Michelle Gumpal-Videz, ng MTC ng Echague, Isabela sa kasong falsification of public documents na may piyansang P6,000 ay inaresto ng pulisya mismo sa naturang unibersidad sa Brgy. Centro 3, Angadanan, Isabela.

Isang binatilyo rin ang inaresto dahil sa kasong cuttle rustling na si Royland Gonzaga,17-anyos, residente ng San Vicente ng nasabing bayan matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest na inilabas ni Hon. Reymundo Aumentado, Executive Judge ng RTC Branch 20 ng Lungsod ng Cauayan.

Isinilbi naman kay Elderson Albano, 43-anyos, may-asawa at residente ng Dipaluda, Angadanan, Isabela ang kanyang bench warrant of arrest na ipinalabas ni Hon.Meliton Galia, Presideng Judge ng 8th MTC ng nasabing bayan at San Guillermo na may piyansang P2,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Alexander Opiña, OIC ng PNP Angadanan ang tatlong naaresto ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers